NOBELA
PANIMULA:
I – PAMAGAT:
GAPO (at isang putting Pilipino, sa mundo ng mga Amerikanong
kulay brown) Ang
pamagat na “GAPO” ay
pinaikling pangalan mula Olonggapo. Kung bakit ito ang pamagat ay malinaw na sinasabi
na ang buong takbo ng istorya ay nasa mga pangyayari sa Olonggapo.. Ang mga
Pilipino sa Gapo ay biktima ng diskriminasyon at pang aalipin ng mga
Amerikanong mapang abuso.Ang pamagat ay naghahatid ng kahalagahan na mabigyang
pansin ang mga pangyayari sa Olonggapo. Nagkalat ang bahay aliwan at
restaurant. Ang mga hostess at waiter ay abala sa pag iistima sa mga
parokyanong Amerikano. Sa kwentong makikilala natin ang ibat’ibang
tauhan
tulad ni Michael Taylor Jr, dalawampung taong gulang,isang folk singer sa Freedom
Pad sa Olongapo na malaki ang galit sa mga Kano dahil sa ginawang pag-iwan ng mga
ito sa kanyang inang si Dolores kaya wala siyang kinalakhang ama. Magdalena naman
ang pangalan ng nagi ng kaibigan ng k anyang ina na kina launay umaruga dito hanggang
sa ito’y
mamatay. Sila’y
namuhay na magkasama sa iisang bubong.
II - Pagkilala
sa May-akda:
Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Pilipinong
manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling
kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Pinanganak si
Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa
Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong
1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit
nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon. Ilan sa mga nobela
niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? Na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng
tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang
Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maiklingkwento: Tatlong Kuwento ng
Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo
Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script
para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best Story-Best Screenplay sa Metro
Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards.
Mga akda:
Kalipunan ng mga maiikling katha
Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng
Sundang:
Dalawang Dekada ng Maikling Kuwento
Desaparesidos
Mga sulating pampelikula
Bata Bata...Pa'no Ka Ginawa?: The
Screenplay (1998)
Bulaklak sa City Jail
Hari ng Tundo
Dekada '70
Desaparecidos
III-BUOD:
Nagsisimula ang
kwento sa Freedom Pad, isang night club sa Olongapo. Doon kumakanta si Michael
Taylor Jr., at madalas ang kanyang mga kinakanta na mga kanta ay may
anti-American message pero dahil Tagalog nag wika na gingamit niya sa pagkanta
ay hindi nagagalit ang mga ‘kano na pumupunta doon, at sa halipay tumatawa pa
ng mga ito dahil sa nakikisabay sila sa mga tawa ng ka-table nila na hostess.
Si Magda ay
nakakilala ng isang ‘kano na nagngangalang Steve Taylor, ipinakilala niya ito
kay Mike at, sa laking tuwa niya, naging magkaibigan ang dalawang ito.
Si Modesto, na
nagtatrabaho sa Base, ay madalas na tinatawag na “yardbird” o patay gutom ni
Johnson, isang ‘kanong sundalo. Hindi na nakayanan ni Modesto ang pangaabuso ni
Johnson at nakipagsagutan na siya, ito ay nauwi sa sapakan na ikinamatay ni
Modesto.
Si Ali naman ay
naging kasintahan ng isang ‘kano na nagngangalang Richard Holloway. Sa umpisa
ay mabuti ang dalawa sa isa’t isa, ngunit hindi pala totoo na mahal ni Richard
si Ali at gusto lamang nito nakawan ang bakla. Ninakawan niya si Ali kasama si
Igna, ang katulong ni Ali, at binugbog nila si Ali.
Dahil sa mga
nangyari ay lalong naggalit si Mike sa mga ‘kano, pero dahil kay Steve ay
naniwala si Mike na nakatagpo na siya ng isang ‘kano na hindi tulad ng iba. Lahat
ng ito ay nagbago noong malaman niya na nabuntis nito si Magda, na hindi pala
nito mahal si Magda at may pamilya pala ito sa Estados Unidos. Ang masmasaklap
pa ay gust nito na ipa-abort ang bata. Dahil sa mga sinabi ni Steve ay naalala
nito ang masakit na mga alaala niya bilang isang GI baby na hindi nakakilala sa
kanyang ama. Hindi na niya napigilan ang kanyang sarili at hinataw si Steve
hangang sa mamatay ito. Pagkatapos ay nakulong siya. Isang araw, dinalaw ni
Magda si Mike at pinagpaalam sa kanya na ang ipapangalan niya sa anak niya ay
Michael Taylor III.
IV- PAGSUSURI:
A. Uri ng Panitikan – Nobela
B.
Istilo ng paglalahad –
Ang mga nakalahad sa nobelang ito ay sumasalamin sa mga katotohanang dinaranas natin ngayon
sa kamay ng Amerikano o maging sa ibang lahi. Sa mga sitwasyon at pangyayari sa
nobelang ito masasabi kong tumutukoy ito sa tunay na pangyayarin nararanasan ng
mga Pilipino ngayon. Ang
mga tauhan sa nobela ay may kanya-kanyang ginawa tulad na lang ni Mike, sa
mata ng Diyos at ng batas mali ang ginawa niyang pagpatay kay Steve
ngunit kung ating titingnan
siya ay may malalim na dahilan. Matagal niyang binalewala lamang ang mga ginagawa
ng Amerikano at pilit nagpakatatag ngunit nang sumapit ang oras na ang mga kaibigan
naman niya ang nalagay sa alanganin, hindi siya nakapagpigil at bumigay ang
matagal nang tinitimping galit. Parang sa tao, kahit gaano tayo kalakas,
lahat tayo ay may kahinaan maaaring mga mahal sa buhay o mga bagay na mahalaga
sa atin.Tama rin ang ginawa
ni Modesto na subukang ipaglaban ang sarili sa mga Amerikano kahit alam niyang hindi siya mananalo
laban sa mga ito sapagkat hindi niya na kayang tiisin pa ang
pagyuyurak na ginagawa nila.Tama rin ang ginawa ni Magda na sa bandang
huli ay nagbago
at tinalikuran ang gawang Amerikano, mga bagay man o produktong nagmumula rito
C. Tagpuan
Ø
Freedom Pad
Ito ang pangalan ng bar na pinagtatrabahuan nina Magda at
Mike. Dito rin sa bar na ito nagkakilala sina Modesto at Ali. Dito nakilala ni
Magda si Steve, dito nagkaroon ng gulo sa pagitan ng mga Kano at Pinoy at
marami pang iba na hanggang ang bandang dulong bahagi ng nobela na maituturing
na 'pagkawala ng dambuhalang galit ni Mike sa mga Kano' ay dito naganap. Ang
Freedom Pad ang siyang naging piping saksi sa iba't ibang pangyayari sa buhay
ng mga pangunahing tauhan.
Ø
Apartment nina Magda at Mike
Ito ang bahay na pinagsaluhan nina Dolores at Magda kasama
ang noo'y maliit pang si Mike. Nang mamatay na si Dolores at binata na si Mike,
mababasa sa ikalawang kabanata ng nobela ang naging pagtatalo nina Mike at
Magda sa tuwina sapagkat hinihiling ng huli na lumipat na si Mike ng ibang
tirahan tutal ay matanda na siya at nakatatayo na sa sariling mga paa. Ang
tunay na dahilan nito ay dahil nagiging sagabal si Mike sa 'bisnes' ni Magda,
sa kanyang pag-uuwi ng kostumer sa kanilang bahay at makikita si Mike ay
inaayawan na siya nito. Siyaempre, mayroon din namang masasayang pangyayari na
naganap dito na nagpapatunay na sina Magda at Mike ay may pag-aala la din sa
isa't isa bilang magkasambahay at magkaibigan. Sa huli, ang apartment na ito ay
isa rin sa mahahalagang tagpuan ng Gapo.
Ø
Beach sa Olongapo
Dito nagpunta sina Modesto, Mike, Ali, Jeffrey at Igna
bilang paglilibang nila kay Jeffrey. Sa dagat ay nagkakatuwaan sina Modesto,
Jeffrey at Mike na animo isang masayang pamilya. Subalit si Ali ay nagmukmok
lang sa kanilang nirentahang kubo sapagkat siya ay naghahanap ng isang lalaking
kanyang mamahalin at handa rin naman magmahal sa kanya. Nang malapit nang
lumubog ang araw at habang patuloy si Ali sa pagbuo ng kung anu-anong
imahinasyon sa kanyang sarili ukol sa kanyang ideal boy' ay biglang sulpot ang
napakakisig na Kano na nagpakilalang Richard Halloway. At dito nagsimula ang
matamis na pagmamahalan ng dalawa.
Ø
Base ng mga Kano sa Olongapo
Lingid sa kaalaman ng kahit sino, matindi ang
diskriminasyong nararanasan ni Modesto sa loob ng Base kapiling ang mga
katrabahong mapang-alipusta tulad ni Johnson. Dito di lamang siya binubulyawan,
pinagpipiyestahan at kinakantiyawan ng mga sundalong Kano, kundi natatapakan na
rin ang kanyang dangal at pagkalalaki. Mabuti na lamang ay may isang William
Smith na sa katulad niyang Pilipino ay marunong makisuyo, nakikipagkuwentuhan
at nang- aalok ng mansanas sa bawat makatrabaho. Ngunit isang karumal-dumal na
pangyayari ang dito ay naganap matapos ang ilang araw na pananahimik ni Modesto
mula malaman ng anak na si Jun ang kanyang tunay na sitwasyon sa loob. Isang
araw, hindi na natiis ni Modesto ang pang-aapi sa kanya ng mga sundalong
Amerikano sa base militar. Nakipagsagutan siya kay Johnson at nauwi ito sa
suntukan. Lamang sana si Modesto nang pagtulungan siya ng mga kasamahan ng
sundalong Puti. Sa kabila ng pagpipigil at pakikiusap ni William, napatay nila
si Modesto.
Ø
Bahay ni Modesto
Isang tagpo sa nobela ay ang pag-uwi ni Modesto sa kanyang
tahanan kung saan nagbunganga na naman ang kanyang asawa ukol sa kanyang
pagtatapon ng pera sa alak at bar sa halip na sa gastusing-bahay kaya naman lubog
na sila sa utang. Ibinalita rin sa kanya ni Jun ang ukol sa tanggapan sa Base
at ang kanyang interes na pumasok dito. Tinutulan ito ni Modesto at sinabing
baka isipin ng mga kapitbahay ay masiyado silang abuso sa Base at nakakahiya.
Subalit ang totoo ay natatakot lamang siyang malaman ni Jun ang kanyang
kalagayan sa loob. Kaya naman nang nagpumilit si Jun ay napigti na ang kanyang
pasensiya at binulyawan ito ukol sa inuutos niya nitong punuin ng tubig ang
dram.
D. Mga tauhan
Ø
Michael Taylor Jr. - edad byente, may dilaw na
buhok at balahibong kulay pilak, kalahating kano-pinoy
Ø
Michael Taylor Sr. - kano, tatay ni Mike na
hindi kumilala sa kanila ng kanyang Ina
Ø
Dolores - Nanay ni Mike, Bayarang babae
Ø
Magdalena - kaibigang matalik ng nanay ni Mike,
bayarang babae, maganda, mahilig sa mga stateside kalakal
Ø
Steve - kano, nagtatrabaho sa base, mabait,
mapagmahal, mayaman
Ø
Alipio "Ali" - bakla, mapagmahal,
mabait, kaibigan nina Mike at Modesto
Ø
Richard
Halloway - kano, tuso, sakim, masama, mapang-api, sinungaling, manggagamit
Ø
Igna - kasambahay,
masama, tuso, sakim, sinungaling, mapang-abuso
Ø
Modesto - Ama, nagtatrabaho sa base, may
dignidad, mabuting tao, kaibigan ni Mike
Ø
Jun - anak ni Modesto, mapag-mahal sa ama,
matalino, masikap,
Ø
William
Smith - Kaibigang tunay ni Modesto, tapat, mabait, hindi mapang-abuso, totoong
kaibigan
Ø
Irene - Asawa ni William, Pilipina, mabuting
asawa
Ø
Will - Anak nina William at Irene
Ø
Johnson - kano, mapang-api, mapang-abuso,
salbahe
Ø
Javier - Bartender
sa FreedomsPad
Ø
Rosalie - Bayarang babae
V – TEMA
“Iminulat ng nobelang ito ang
pang-aaping ginawa ng mga Amerikano sa mga Pilipinong walang ibang alam gawin
kundi ang sundin lamang sila. Sa kabila ng pag-aakala ng mga Pilipinong mabuti
silang kaibigan, naipakita dito ang mga naidulot na hindi kanais-nais ng mga
kano sa buhay ng mga Pilipino. Kung paano nila dungisan ang pagkatao ng mga
Pilipino na akala nilang hindi magbabago at mabubuhay na lamang sa
kamangmangan."
VI - Teorya
Pampanitikan:
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga teoryang pampanitikan na
napapaloob sa nobela:
Ø
Teoryang Humanismo
Ang galing ni Mike sa pagtugtog ng gitara at kakaiba niyang pagkatao ay
isang patunay dito. At sa kabila ng masalimuot na pamumuhay sa Olonggapo at
buhul-buhol na kagaspangan ng ugali ng mga tagaroon dala na rin ng kahirapan ng
buhay ay may bahagi pa rin sa nobela na nagpapatunay na ang tao ay may
itinatagong kabaitan, Ang pagtulong ni Modesto kay Mike nang siya ay hinahabol
sa Jungle, ang pakikipagkapwa-tao at pakikipagkaibigan din ni William Smith kay
Modesto at miminsang tawanan at maayos na samahan nina Magda at Mike sa
Apartment ay ilan lamang halimbawa nito.
Ø
Teoryang Realismo Sa paunang salita ng
may-akdang si Lualhati Bautista, kanyang ibinahagi ang kanyang karanasan sa
kanyang pananatili sa Olonggapo kasama ang dalawang kapatid na sina Marie at Lumen
at pinsang si Carding. Sa kanilang pagpunta sa isang bar doon ay nakakuwentuhan
nila ang iba pang kasamahan ni Carding sa Base ukol sa ilang mga lihim at
mapapait na katotohan sa loob o labas man ng Olonggapo. Dito, mapapatunayan na
ang nobelang Gapo ay nabigyang-buhay ng karanasang iyon.
Ø
Teoryang Feminisma Ang may-akda ay isang babae
at isa sa mga pangunahing tauhan na si Magdalena ay babae. Naipakita sa atin ni
Lualhati na ang mga babaing tulad ni Magda ay may mga pangarap din sa buhay,
may dignidad na kadalasa'y ipinagbabawalang-bahala na lang makamit lamang ang
kaginhawaan. Sa pagtatapos ng nobela ay napatunayan na si Magda ay isang
babaing may pagmamahal sa buhay pagkat kanyang piniling huwag ipalaglag ang
bata sa kanyang sinapupunan. Bagkus kanya itong bubuhayin kasama ni Mike, siya
ay handing matuto at pinatutunayan ito ng kanyang handing pag-aaruga kay
Jeffrey habang nasa ospital pa si Ali.
Ø
Teoryang Historikal Sa nobela ay binigyang
paliwanag ang ilan sa mga kadahilan ng bagay-bagay at mahahalagang kasaysayan
ng bansa. Isang halimbawa nito ay ang kuwento ukol sa pagbomba sa Pearl Harbor
at ang napakaraming kabuntot na epekto nito sa ating bansa at ng bansang Amerika.
VIII– PANSARILING
REAKSYON
Bata pa man tayo ay
hindi maitatatwang napakaganda na ng imahe sa atin ng alinmang bagay, produkto
o kaya’y mga tao basta galling
Amerika ito. Tulad ni Magda masyado nating tinatangkilik ang gawang banyaga
imbes na ang sariling atin. Sa nobelang ito ay nabatid natin ang ilan sa mga
bagay na kapansin-pansin, subalit bakit di batid ng isa man sa atin. Sa mga
karanasan ni Modesto sa loob ng Base na nakakasulasok dahil sa tindi ng diskriminasyon
na umabot sa puntong ang kanyang dignidad at pagkalalaki ay
naitapon na’t lahat-lahat,
ang nakakarimarim na kalagayan ng mga babaing hostess gaya ni Magda na isa
lamang sa sanlibong nangarap, naanakan, umasam at iniwan, mga batang gaya ni Mike
na bunga ng mabulaklak na pananalita ng ating mga iniidolong Kano, ay tila parang
insektong nagkalat sa panahon natin ngayon. Hanggang ngayon ang sitwasyon ng mga
tauhan sa nobela ay laganap at nararanasan pa rin sa ating bansa. Dapat matuto
tayong ipaglaban ang ating sarili o bansa laban sa mga mapang-
alipin at
mapang-abusong kamay ng ibang tao. Mas tangkilikin natin ang sariling atin kaysa
sa mga gawang banyaga.Sa pamamagitan ng mga ito, maipapakita natin ang tunay na
kahulugan ng pagmamahal sa ating bansang Pilipinas.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento