PAGSUSURI NG PELIKULA
I - Pamagat
MAGNIFICO (2003)
Sa direksyo ni Maryo J. de los Reyes isang batikang director
at isa rin sa mga award winning's at nominado sa iba't ibang parangal. Maayos
at maganda ang pagkakadirek niya sa pelikulang ito. Napakaepektib ng ginawa
niya at nagging makatotohanan at sobrang nakakaiyak ang istoryang ito. Kaya
masasabi kong isa ito sa pinakamagandang drama na aking napanood. Dahil sa
ganda at maayos na kinalabasan ng pelikula ito masasabi kong 5/5 ang direksyon
nito.
II - MGA TAUHAN Magnifico
✓
Pikoy
- Ang bida sa kwento
- Isang batang namulat sa kahirapan sa murang edad
✓Edna (Lorna Tolentino)
-Ang Ina ni Pikoy na walang trabaho
✓Gerry (Albert Martinez)
- Ang ama ni Pikoy na isang Karpintero
✓Lola Magda (Gloria Romero)
- Ang Lola ni Pikoy na may Stomach Kanser
✓Helen (Isabella De Leon)
- Ang bunso sa magkakapatid na may Cerebral Palsy.
✓Miong (Danilo Barrios)
- Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng
Scholarship.
III - TAGPUAN
✓ Sa aking panonood ng
Pelikulang ito, hindi naging malinaw sa kung ano. ang tagpuan ng kwentong ito.
Batay sa aking pagsasaliksik, ang tahanan na tintirhan nila Pikoy ay nakatayo
sa bayan ng Lumban, Laguna.
IV - BUOD
Ang pelikulang ito ay umiikot sa buhay ni Magnifico na isang
musmos na bata na maagang namulat sa kahirapan. Kasama ni Magnifico sa kanilang
tahanan, Si Edna ang kaniyang nanay, Si Gerry ang kaniyang tatay, Si Miong ang
kaniyang nakatatandang kapatid, Si Lola Magda at si Helen ang kaniyang
nakababatang kapatid na may sakit. Sa araw-araw niyang buhay ay madalas niyang
nakikita ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang dahil sa pera. ✓Helen
(Isabella De Leon)
- Ang bunso sa magkakapatid na may Cerebral Palsy.
✓Miong (Danilo Barrios)
- Ang panganay sa magkakapatid na natanggalan ng
Scholarship.
III - TAGPUAN
✓ Sa aking panonood ng
Pelikulang ito, hindi naging malinaw sa kung ano. ang tagpuan ng kwentong ito.
Batay sa aking pagsasaliksik, ang tahanan na tintirhan nila Pikoy ay nakatayo
sa bayan ng Lumban, Laguna.
IV - BUOD
Ang pelikulang ito ay umiikot sa buhay ni Magnifico na isang
musmos na bata na maagang namulat sa kahirapan. Kasama ni Magnifico sa kanilang
tahanan, Si Edna ang kaniyang nanay, Si Gerry ang kaniyang tatay, Si Miong ang
kaniyang nakatatandang kapatid, Si Lola Magda at si Helen ang kaniyang
nakababatang kapatid na may sakit. Sa araw-araw niyang buhay ay madalas niyang
nakikita ang pag-aaway ng kaniyang mga magulang dahil sa pera. Isa sa
pinag-awayan nila ay ang magiging gastos sa kabaong at lupa para sa pagpapalibing
kung sakaling mamatay ang Ina ng kaniyang tatay na si Lola Magda. Kaya't
nakaisip siya na gumawa na lamang ng kabaong para sa kaniyang Lola. Nanghingi
siya ng gamit na kahoy mula kaibigan ng kaniyang tatay at nanghiram ng mga
kagamitan sa kaniyang mga kapitbahay upang mabuo ito. Nabuo niya ang kabaong na
ito ngunit sa kasamaang palad ay nasagasaan. Ang kabaong na para sa kaniyang
Lola ay siya rin mismo ang gagamit.
V - TEMA
Ang tema ng pelikulang ito ay umiikot sa pagtingin ng isang
musmos na bata at pagtingin ng iba't ibang tao na may iba't ibang edad sa
buhay. Ipinapakita ng pelikulang ito kung paano itinuro ni Magnifico ang
paghahanap ng positibo sa buhay, pagpapatawad, pagmamahal at pagkalinga na
maaari nating ipadama sa ating kaibigan at kapamilya.
VI - URI NG PANANAW
Ang Pelikulang ito ay gumamit ng obhetibong paningin a
pananaw. Bagaman umiikot ang istorya ng Pelikulang ito kay Magnifico, ipinakita
nito ang iba't ibang pananaw at istorya ng tao sa pamayanang kinalakihan niya.
Ipinakita rito ang pagkakaiba ng pananaw ng matatanda at ang pananaw ng isang
musmos na bata.
VII - TEKNIKAL NA ASPEKTO NG PELIKULA SHOT
Ang pelikulang
ito ay gumamit ng iba't ibang uri ng Shot upang ipakita ang iba't ibang tauhan
at mga lugar. Ngunit mas ginamit ang close-up shot na nagpakita ng emosyon ng
mga tauhan. Sa paggamit nito ay epektibong napukaw ang atensyon at damdamin ng
mga manonood.
✓ EDITING NG PELIKULA
Ang editing Pelikula
ay simple lamang at tradisyonal. Di gaanong ginamitan ng video effects ngunit
maayos ang daloy ng istorya nito. Malinaw ang banghay at ang mensahe nais
iparating sa mga manonood.
✓ MUSIKA
Ang una at huling bahagi ng pelikula ginamit ang musika. Sa
unang bahagi ay musika lamang ito na nagpapaalam kung ano a ang senaryo o
nasaan ang mga tauhan. Si Gerry at si Miong ay nasa isang pagtatanghal ng
mahikero. Sa kabilang banda, ang musika sa huling bahagi ay "mood
setter" o musikang nagdadagdag ng damdamin. Ito rin ay angkop sa
pangyayari sa bahagi ng kwento. Ang bawat musika na ginamit ay epektibong
nakatulong sa paghahabi ng istorya sa pelikula at pagpukaw ng atensyon at
damdamin ng mga manonood.
VIII - ARAL NG PELIKULA
Ang pelikulang ito ay may napakahitik na mensahe. Si
Magnifico ay isang mahikero, kagaya ng tao sa isang pagtatanghal na
pinanggalingan ng kaniyang pangalan. Ipinakita niya na hindi pa huli ang lahat
upang magbago at maging positibo sa buhay. Ang kaniyang libing na bagaman ay
nakakalungkot ngunit ito ay sumisimbolo sa pagkakaisa at pagtulong sa kapwa
tao. Mahirap man o mayaman, bata o matanda ay maaaring magmahal, magpatawad,
tumulong at muling magkaisa.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento