Pagbabago

 

BIGONG PANGARAP

Dear Tio Yrot,

Madali lang buhay ko noon kahit mahirap lang kami nagagawa kong maggsaya at maglaro maghapon kasama ang mga kaibigan ko. Masayang alalahanin ang aking kabataan , masaya kaming naglalaro sa aming bakuran kasama ang aking mga kaibigan. Naglalaro kami ng tagu-taguan, gumagawa ng bahay-bahayan, nagluto-lutuan at kung minsan ay naglalaro din kami ng patintero at Chinese garter. Masaya ang bawat isa at sa aming paglalaro ay lagi akong bugnutin na ngayon ay napapagtanto kong mali ang aking gawi noon, kaya masaya ako na sa bawat pagdaan ng panahon ay unti-unti kong nababago ang aking sarili.

Maraming nagbabago habang ako ay nagkakaisip at nagkakaedad, sa hirap ng buhay pero nakapag-aral ako dahil sa isang scholarship program. Pinalad akong mapasali dito, nagkaroon ng mga bagong kaibigan, nakapunta sa mga lugar na ni sa panaginip ay hindi ko napuntahann. Maraming mga training akong nadaluhan tulad ng theater arts sa lLucena, ang leadership training sa baguio, ang Reatret sa Batis Aramin ng Lucban. Ngunit hindi naging Madali ang lahat sapagkat ako ay mahiyain, hindi matalino, isang batang walang bilib sa sarili. Marami akong insecurities sa buhay ko, kaya siguro hanggang ngayon wala pa akong napapatunayan sa buong buhay ko. Sa paglipad ko ay nabali ang dalawa kong pakpak ng dahan dahan akong bumulusok, nabuntis ako sa di inaasahang pagkakataon. Nagalit sa akin ang pinakamamahal kong ama, hindi siya umimik ng mga kalahating buwan sa akin, na lalong nagpaintindi sa akin na wala na akong mararating sa buhay ko, na hanggang dito nalang ako. Masakit isipin na nabigo ko ang aking mga magulang, na hindi ko natupad ang mga pangarap ko para sa kanila, na hanggang ngayon ay paulit-ulit na bumabalik ang sakit sa tuwing mas pipiliin niyang makasama ang iba ko pang kapatid kesa sa akin na binigo sila.

 Ang buhay may asawa ay hindi Madali, tama nga sila na, ang pag-aasawa daw hindi parang kanin na pagnapaso ka ay pwede mong iluwa. Dahil kahit gaano kahirap ang sitwasyon ay pipiliin at pipiliin mo pa rin magpakatatag kahit gusto mo nang sumuko. Ang tanging magagawa mo na lang ay ang humikbi ng tahimik upang pagtakpan ang sakit at hirap na pinagdadaanan. May nagsabi sa akin na bata pa daw ako kaya mag-aral daw ako, ginarab ko ang oportunidad na makapag-aral muli kahit na sarili kong ama ang kumukuwestiyon kong ako ba ay makakapagtapos. Masakit marinig mula sa mga labi niya ang mga salita na kanyang binibitawan, sumusugat sa aking puso, nag iwan ito ng lamat na magpahanggang ngayon ay sariwa pa rin.

Tapos isang beses kausap ng aking asawa ang aking ina na sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin na mabibigyan ko sila ng diploma kuung sakali mang makakapagtapos ako. Masarap isipin na kahit binigo ang aking ina ay alam kong nandiyan siya lagi nakasuporta sa bawat hakbang na aking gagawin, na kahit may sarili na akong pamilya ay patuloy pa rin ang walang hanggang suporta na ibinigay niya sa akin kahit hindi niya ito ipinapakita. Kaya naman ipinapangako ko sa aking sarili na wala akong hangad kundi ang matupad ko ang mga pangarap ko para sa inyo. Alam kung maraming nagbago sa ating pamilya pero ang hindi magbabago ay patuloy at patuloy ko kayong mamahalin at aalagaan hanggang sa inyong huling hininga, tutuparin ang bigong pangarap.


Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGSUSURI NG PELIKULA

KABABALAGHAN

PINAGPALA