KABABALAGHAN
Lumang Bahay
Sa probinsiya ng Nueva Vizcaya nagkayayaan kaming magbakasyong magbabarkada, sa isang lumang bahay
na walang tao dun kami tumuloy para sa maexperience ang mga bagay na minsan
lang namin magawa sa tanang buhay namin. Naging maganda ang unang pagtigil sa
bahay nayun ngunit sa kabila non ay may mga kaluskos akong naririnig, mga ingay
ng kapaligiran ngunit sa isang dako ng aking tainga ay may narinig akong
umiiyak at tumatawag ng “mama”. Pero hindi ito naririnig ng mga kaibigan ko
kaya tumigil ako at nanahimik lang sa isang tabi kaya nagsaksak ako ng earphone
upang mawala ito sa aking pandinig. Hinayaan ko nalang ang mga pangyayari ng gabing
yun at sumabay sa agos ng buhay.
Lumipas ang mga araw at linggo nakauwe ang bawat isa ng matiwasay ngunit sa parte ko ay palagi na akong
binabangungunot ng mula noong uwe namin galing sa bakasyon. Hindi ko malaman kung
bakit wala namang ibang nangyari kundi yung iyak lang na aking naririnig.
“mama” mama” mama” antayin mo ako,, “mama” mama” aaaahhhhhhhhhhhhhh sigaw na halos pumatid sa
aking lalamunan, nag-iinit na mga singit at kili-kili. Hindi makakilos sa aking
kinatatayuan, “wag, wag kang lalapit ” sa isang sampal ay nagising ako sa
panaginip na paulit-ulit nalang na bumabalik. May sumampal sakin ngunit sino? Ni isang anino ay wala akong Nakita sa aking
pagmulat, ni wala akong kasama sa bahay sino ang gigising sa akin sa gitna ng
gabi na halos mamatay ako sa bangungunot ng kahapon.
Nanonood ako ng telebisyon sa paglipat-lipat ng tsanel ay
mahagip ng aking mata ang isang balita at pumukaw sa aking atensyon ang isang
lumang bahay na sa aking sapantaha ay yun yung bahay na aming tinuluyan. May isang
patay nakuha sa balon sa gilid nong bahay ngunit isa itong paslit na nasa edad na
limang taon. Ang panghihinayang ay di mawala sa akin na sana ay nailigtas ko
siya at hindi namatay.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento