PINAGPALA
PINAGPALA
Ang pinagpala ay galing sa salitang latin na tumutukoy sa pagkilos at epekto ng pagpapala. Ito ay isang paraan sa pagtawag sa pagkilos ng pagpupuri. Ang lahat ng tao ay pinagpala, ngunit bakit tila hindi nila pinahahalagahan ang mga biyayang ibinibigay sa kanila?
Maraming klase ng pagpapala ang natatanggap natin sa araw-araw. Ako bilang isang ina, mag-aaral at taga silbi sa Brgy. masuwerte ako, sa araw-araw na pagmulat ng aking mga mata ay sobra-sobrang pagpapala na agad. Ang maging ina ay isang mahalagang para sa isang babae o kahit sino na nagnanais na magkaroon ng isang pamilya. Pinagpala ako sapagkat binigyan ako ng asawang mabait, mapagmahal, maalaga at responsable bilang padre de pamilya, na magkaroon ako ng dalawang anghel na nagbibigay ng lakas at saya para patuloy na lumaban sa hamon ng buhay, masasabi kong doon ay lubos na ang pagpapala ng Poong Maykapal sa akin. Bilang isang mag-aaral na nakasama sa sabsidiya ng pamahalaan upang mas lumawak pa ang mga gustong matutunan sa buhay at bilang isang BHW na nagiging daan sa mga tao para maging maayos ang kanilang kalusugan, gayundin naibabahagi ko sa iba ang aking nalalaman ay isang malaking pagpapala para sa akin.
Kaya nararapat tayong magpasalamat sa bawat biyayang ating nakakamit sa araw-araw nating pamumuhay. Bakit nga ba iyong iba ay mas pinipiling sisihin ang Diyos sa kanilang paghihirap? Samantalang ang bawat problema na ating nakakasalubong ay nagiging kasangga natin upang tayo ay mas tumibay. Kaya magpasalamat SA bawat araw na dumadaan Ng bukal SA puso natin.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento