SAKLAP

 


YAKAP

Ikaw sakin ay nagbigay buhay, upang masilayan ganda ng mundo

Ikaw ang unang lalaking minahal ko,

Ikaw ang nagging sandalan ko

Tila ikaw si Daniel Padilla na aking idolo

 

Ngunit bakit? Ang daming tanong ng gumugulo sa isipan ko

Bakit tila nagbago ka? Ako ba’y hindi na mahalaga

 Bakit tila may malaking bato na sati’y nakaharang

Ang bigat di ko na kayang magpatuloy pa

 

Di ko mawari kung anong pagkakasala,

Ako’y Napapanlaw sa aking nararamdaman,

Di ko nais mawalay, pero siya, siya ang pinili mo at hindi ako

Ako na lagging nandiyan, para sa iyo

 

Ang saklap ng kapalaran ko dahil siya, siya ang pinilii mo

At hindi ako na anak mo,

Para akong gamu-gamo na natatakot masunog sa liwanag mo

Nangangambang baka tulayang lumayo ang loob sa iyo

 

Humahagulgol sa gabi, kasama ang hanging malamig

Umuusal ng panalangin na sana’y mayakap kang muli

Na sana’y maging masaya ka sa bawat araw na nagdaraan

Wag kang mag alalala mahal pa rin kita

PAPA..

 

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGSUSURI NG PELIKULA

Pagbabago

KABABALAGHAN