SA ILALIM NG TULAY
TULAY NG KAHAPON
Lumaki ako sa isang mahirap na pamilyang may takot sa Diyos, marunong gumalang at mapagbigay. Nasa sekondarya ako noon ng madiskubre kong may isang lumang tulay malapit sa dinadaanan ko papunta sa bahay. Doon ako nangarap mag isa ng mga gusto sa aking paglaki, ngunit sadyang di natin hawak ang kapalaran ng bawat isa, aking ikukwento kung paano unti-unting nahulog ang mga pangarap na aking binuo kasabay ng pagkasira ng tulay.
Nagkaroon ako ng kasintahan ng ako ay nasa sekondarya 4th
year ako noon, isang panandaliang pag-ibig pareho kaming nasa 4th
year noon subalit magkaiba kami ng paaralan sa ANCHS ako, samantalang siya ay
sa LGMC pumapasok. Alam naman natin na ang
pag-ibig ay masaya, oo masaya sa una ngunit ang lalaking aking inibig ay
nagkaroon ng isa pang babae sa kanyang buhay at ayaw ko ng ganun sapagkat
lumaki ako at Nakita ang pag -iibigan ng aking mga magulang na walang naging kahati ang aking ina. Samakatuwid
nagkahiwalay kami, may panibagong nagparamdam sa akin ng pag-ibig na nilihim ko
sa aking mga magulang sapagkat maraming pangarap ang aking ina sa akin. Nakipagkasundo
pa ang aking ina sa aking ninang na paghahandaan nila ang aking debut pag
umabot ako ng 18 na wala pang katipan. Nahirapan ako humigpit ang aking ina, sa
tuwing ako’y mag-isa ay umuupo lang ako sa ilalim ng tulay sa nakausling bato,
humahabi ng mga pangarap at nais kong marating sa buhay upang maiahon ko ang aking
mga magulang sa kahirapan.
“Gusto kong maging
isang nurse at magkaroon ng matatag na trabaho para matulungan ko sila at ang maipasyal
sila sa ibang bansa o kahit dito lang sa Pilipinas, ok na yun”. Yan ang mga pangarap na laging nakasulat sa isipan
ko.
Uso na ang selpon noon, ngunit dahil sa mahirap ako
ay hindi ko afford kahit pa nga 3210 lang ay mahal talaga. Sa selpon nanligaw
ang nagpaparamdam sa akin, at dahil sadya mabulaklak ang kanyang labi ay
nahulog ako. Naging kami noong November 27, 2007 hindi naging Madali ang lahat
ngunit mahal ko siya. Nabunyag anga aming pag-iibigan dahil lamang sa isang
mansanas, dapithapon na noon ng tumambay ako sa ilalim ng tulay nagmumuni-muni,
hindi ko akalain na ang aking kapatid na babae ay nangailam ng bag ko at Nakita
niya ang mansanas at sinabi ito sa aking ina. Award ang lola mo Diyos ko! Kanino
daw galing? Bakit daw ako may ganun? Tapos tinanong ako kung kami na daw. Ay ayaw niya sa aking nobyo
dahil kilala niyang ito ay babaero, sa unang buwan palang maram na agad isyu ang dumaan sa relasyon namin ayaw ng tiyahin
ko sa kanya. Sa paglipas ng mga araw ay nalaman
kong may karelasyon pala siyang may asawa na in short “kabet siya”’. Hiindi ko
kilala yung babae nong una hanggang sa isang hapon pauwe na kami ng mga kaibigan ko, ng makita ng
kaibigan ko yung babae at tinuro niya sa’kin. Sa di inaasahan ay nagkatinginan
kami at nagkatawanan ng aking mga kaibigan “hahhahahhaha” malulutong na Tawanan
, ewan ko kung bakit? Pero napatawa na lamang ako. At nagsumbong si babae sa jowa naming pareho ‘
hahhahaha’ di ako bumitaw sa nobyo ko dahil mahal ko siya simpleng salita
ngunit nagpabago ng Malaki sa buhay ko.
Magtatapos na ang taon gaganapin na ang Seniors Prom magpapraktis
sana kami sa balagtas ngunit nabago ang venue ng praktis, sa campo rizal nalang
daw. Sa paglalakad ko papunta sa campo rizal nakasabay ang isang kabatchmate na
section gold, nacorner ako ng jowa ng jowa ko, ang daming sinabi bakit daw
pinagtatawanan namin siya. Ay di siyempre di papatalo ang lola mo sagot ko sa
kanya “bakit sigurado kang ikaw yung pinagtatawanan namin masyado kang assuming”
nakatingin lang yung kasabay ko nun pero
napag alaman kong kabatch ko din yung anak nong babae at kaklase nong kasabay
ko hahhahaha “what a coincidence?” at nagsumbong pa si girl sa jowa namin. Hanggang
sa dumating ang Senors Prom pinuntahan ako ni jowa at sa di inaasahan nandun
din si girl at tinignan ang anak niya o nanunubok lang, nagtagpo sila nii jowa
at sinampal niya si jowa, nagulat ako dahil sa karamihan ng tao ay sinampal siya sa harapan ko mismo. Lumipas ang
mga araw at buwan nakagraduate na ako at nagtatrabaho sa Sea Breeze Resort pero
kami pa rin. Nalaman ng aking ina ang lahat at alam kong bilang ina ay ayaw
niyang masasaktan ako, kaya naman ng minsang sugurin ako ni girl sa Sea Breeze
ay to da rescue ang aking ina na nagpatigil sa bunganga niyang talak ng talak. Natahimiik
siya at umalis ng sabihin ng aking ina na mag-uusap sa harap ng asawa niya at
kapatid nito na nagkataong ninong ko pala, ay di layas si girl at di nagpakabalik-balik
pa.
Matapos ng insidenteng yun ay di na naulit pa, hanggang sa sayawan
sa aming Brgy. ng may nangyari sa amin ni jowa na di ko inaasahan pero giinusto
ko rin, oy! Alam niyo nayun idedetalye ko pa ba? Hahhahahaaha wag na sasaya
kayo… Nasundan pa ang minsan. Buwan ng Hunyo magpapasukan na, magcocollege na
ako kaso secretarial muna ang kinuhang kurso, dahil wala pang pera pang nursing.
Tuwing uwian ay hinahatid niya ako sa bahay at dumadalaw na rin. Tuwing wala
akong pasok ay pumupunta kami sa ilalim ng tulay tuwing dapithapon
nagninilay-nilay tungkol sa buhay. At ang kasing tatag ng tulay na pangarap ay uunti-unting naglaho ng malaman
kong ako’y nagdadalang tao, mahirap, masakit ngunit masaya sa parte ko na makakasama
ko na panghabang buhay ang lalaking minamahal ko. Ngunit sa parte ng mga magulang
ko ay masakit ramdam ko yun sapagkat hindi ako inimikan ng aking ama ng halos limang
buwan, masakit pero kinaya ko para sa aking anak pero ramdam kong nandun pa din
ang pagmamahal nila ng ni daliri nila ay hindi man lang dumapo sa aking balat ng
malaman nilang buntis ako.
Sa buhay may mga
pangyayaring di mo inaasahan ngunit kailangan mong lumaban at magpatuloy sa
buhay , kailangan mong tanggapin at sumunod sa agos para di ka matanggay ng kainaman.
Sa kwento kong ito marami akong napagtanto sa buhay na sana pala nagtapos muna
ako ng pag-aaral para makamit ko ang mga pangarapp ko sa buhay pero sdaya nga
yatang may palno ang Diyos, hindi man ako nakapagtapos noon siguro ngayon matutupad
ko na ang pangarap kong makapagtapos hindi nga lang nursing pero guro naman. Ngayon
katuwang ko ang aking asawa sa pagpapalaki ng aming mga anak, maraming problemang
nakakasaluubong pero alam kong kaya kong lampasan ang lahat basta wag bibitaw
sa pangarap. Sa ngayon sira na ang tulay na naging na nagging katuwang ko sa
paghabii ng aking mga pangara, pero sa tuwing pupunta ako dito ay inaalala ko
pa rin ang mga pangarap na nais kung matupad.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento