PAGPAPAUBAYA


 

                                                                         Pagpapaubaya

Para sa akin, ang pagpapaubaya ay nagpapakita ng pagtitiwala sa isang indibiduwal. Ito rin ay tumutukoy sa kakayahang igalang ang lahat ng naiiba sa sarili, iyon ay mga opinyon, paniniwala, damdamin, kaugalian at iba pa.Ang pagpapaubaya ay mahalagang aspeto ng isang indibidwal upang maging maganda ang ugnayan ng bawat isa ito man ay sa pamilya,kaibigan, kakilala, kaklase at sa ibang tao. Sapagkat ang pagpapaubaya ay isang elemento na tumatakbo sa mga lipunan, upang ang mga tao ay gumalang sa bawat isa at mamuhay nang maayos sa kabila ng pagkakaiba-iba sa iba`t ibang mga kultura at tradisyunal na ekspresyon.

Sa aking trabahho mas madalas na sa akin pinagagawa ang lahat dahil sa akoy isang bata pa daw at madaling makaintindi ngunit may mas marunong sa akin, at may pinuno din kaming dapat sundin kaya naman. Bilang isang bata pa mas gusto kong marami pa akong matutunan mula sa kanilang matagal na sa serbisyo. Kaya naman ang aking trabaho ay isang halimbawa ng pagpapaubaya sa lugar ng trabaho na alam kung paano makinig, magbahagi ng mga opinyon o panukala, hangga't nauunawaan natin na ang lahat ng mga tao ay natatangi at indibidwal na mga nilalang, na ang mga karanasan sa buhay ay tumutukoy sa aming pag-uugali at posisyon sa buhay at lahat ng mga miyembro ng isang pangkat ng trabaho ay mayroong ang parehong halaga at kahalagahan.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGSUSURI NG PELIKULA

Pagbabago

KABABALAGHAN