SA ILALIM NG TULAY
TULAY NG KAHAPON Lumaki ako sa isang mahirap na pamilyang may takot sa Diyos, marunong gumalang at mapagbigay. Nasa sekondarya ako noon ng madiskubre kong may isang lumang tulay malapit sa dinadaanan ko papunta sa bahay. Doon ako nangarap mag isa ng mga gusto sa aking paglaki, ngunit sadyang di natin hawak ang kapalaran ng bawat isa, aking ikukwento kung paano unti-unting nahulog ang mga pangarap na aking binuo kasabay ng pagkasira ng tulay. Nagkaroon ako ng kasintahan ng ako ay nasa sekondarya 4 th year ako noon, isang panandaliang pag-ibig pareho kaming nasa 4 th year noon subalit magkaiba kami ng paaralan sa ANCHS ako, samantalang siya ay sa LGMC pumapasok. Alam naman natin na ang pag-ibig ay masaya, oo masaya sa una ngunit ang lalaking aking inibig ay nagkaroon ng isa pang babae sa kanyang buhay at ayaw ko ng ganun sapagkat lumaki ako at Nakita ang pag -iibigan ng aking mga magulang na walang naging kahati ang aking ina. Samakatuwid