ODA



 SALAMAT PANGINOON KO

Simula pa lang nag isilang

Pagmulat ng mata at magkaisip

Laging tinuturan ng mga bagay na dapat Gawain

At mga aral na dadalhin sa pagtanda

 

Salamat sa pahiram mong mga magulang ko

Di man naging Madali ang naging buhay

Lumaki man sa hirap ay di mo pinabayaan

Kaya maraming salamat Panginoon ko

Sa pagbibigay ng mga magulang na laging nandiyan

Walang pagsidlan ng kaligayahan ang aking puso

Dahil sila nag binigay mo sa akin bilang mga magulang

 

Sa mga panahon na di nagkakaintindihan at di pagkakaunawaan

Lagi at lagi mong pinararamdam na di ako nag-iisa

Salamat sa pagbibigay ng mga kapatid ko

Na laging nakasuporta sa mga problemang

Aking pInagdadaanan, salamat DIYOS KO

Dahil lagi silang nandyan at buo pa rin kami

 

Sa panahong di ko na kaya

Nagbigay ka ng mga anghel na sakin ay gagabay

Nagpapahid ng mga luha sa aking mga mata

Yumayakap sa tuwing napapanlaw,

Nahihirapan at lugmok, salamat po pagbibigay sa anghel ng buhay ko.

 

Ng kulang at naghahanap ng pagmamahal

Pag-aaruga at pag intindi salamat AMA

Dahil binigyan mo ako ng katuwang na di lang mapagmahal

Responsable,maalaga, maaasahan at lahat ng aspeto ng isang lalaki

Salamat po PANGINOON KO

 

Di man naging pekpeto ang buhay ko

Binigyan mo naman ako ng mga taong ito

Upang maging kompleto ako

Walang hanggang pasasalamat sa iyo  PANGINOON ko

Hanggang sa huling hiniga ko

Ang pasasalamat sa iyo ay di magmamaliw.  

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGSUSURI NG PELIKULA

Pagbabago

KABABALAGHAN