HIYA
KAHIHIYAN
Sa dami ng dinanas na kahihiyan
Di alam kung
saan nga ba sisimulan
Mga danas/ karanasan
ng kahapon
Mga Aral at
pilat ang ‘yong iniwan
Kahihiyan ay
nauwi sa tawanan
kwentong
kahihiyan, aking sisimulan
ako’y nalilito
di ‘lam ang gagawin
di makatayo,
napako sa upuan
umaalingasaw,
baho ng kahapon
sobrang kahihiyan
ayaw ng balikan
sa kasunod
na paglipad dun lumagpak
sa pagbagsak
na sobrang wasak na wasak
pinilit bumangon,lumaban
lumipad
para mga
mithiing gustong patupad
walang
lakas di alam kung kilan uusad
halos gusto
ng magpatiwakal tuloy,
gusto ng
wakasan, halos walang malay
ang nais lamang
ay lumubog sa hukay
pag-iwas, pagtatago
at ang mamatay
yan nalang
ang gustong mangyari sa buhay
pero sa mga panahong lugmok ako
mula sa mga
problemang dala-dala ko
sa di
mabilang na paglaba’t pagsuko
at hanggang
sa pagsubok ko sa pagtayo
heto at pinipilit
pa ring tumayo.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento