AKO BILANG ANAK
SALAMAT
Ama at ina ang gabay
At sakin ay bumuhay
Sa paglaki’y kaagapay
At sa problema’y Karamay
Salamat sa pagmamahal
Saya ay walang pagsidlan,
Yakap na kay sarap damhin
Busog sa mga pangaral
Hirap man ay pinag-aral
Salamat sa sakripisyo.
Walang tigil sa paggawa
Pagod ay di iniinda
Hirap ay di alintala
Wala kang katumbas mama,
Mahal kita aking Ina.
Ikaw ang tagapagtanggol
Aking amang minamahal
Ako ma’y sinisigawan
Minsa’y pinagagalitan
Patuloy kang itatanghal.
Walang hanggang pasasalamat
Kaya’t salamat sa lahat
Pakakamahalin ko at
Aalagaan sa bawat
Araw na lilipas, salamat.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento