AKO AT AKING AWIT

 

AKO AT AKING AWIT     


                Sa bawat araw na dumadaan ay nakakasalubong tayo ng mga problemang hindi natin inaaasahan, ngunit ang bawat pagsubok sa ating buhay ay makakaya natin kung may mga katuwang tayo sa buhay. Habang nag-aantay ng klase ay kumakain ako kasama ang aking mag-aama, at sa pagtunog ng selpon ay rumihestro ang ipapagawa ng guro, sabay ng unti-unting pagsilay ng ngiti sa aking mga labi ay ang unang pumasok na kanta sa aking isipan ay ang kanta ni Moira Dela Torre na “KUMPAS”.

Hindi ko ng aba alam kung bakit ito ang unang pumasok sa aking isipan, siguro dahil ito ang sikat na awitin ngayon ngunit sa paglalalim ng gabi ay nahulog ako sa pag-iisip na, bakit nga ba?  Ay masaya naman ako habang kami ay kumakain, di ko rin mawari ang aking damdamin siguro ay dahil sa dami ng pinagdaanan namin ay buo pa rin kami at masayang kumakain.

Ang lyric ng awiting ito ay may mga ibig sabihin para sa akin.

Ikaw ang kumpas pag naliligaw
Ikaw ang kulay sa langit na bughaw
Sa bawat bagyo na dumadayo
Ikaw ang kanlungan na kailangan ko
Kahit hindi mo alam
Ilang beses mo akong niligtas
Ikaw ang hantungan, at aking wakas

Ang aking mag-aama ang direksyon na nais kong puntahan sa tuwing ako’y naliligaw. Sila ang naging bughaw na langit sa tuwing dumidilim ang mga daanan na nais kong tunguhan at sa bawat dilim na aking nilalakaran sila ang nagiging ilaw. Sa lahat ng pagsubok na dumaan at dadaan pa kakayanin ko ang lahat basta’t nandiyan sila sa aking piling. At tuwing gusto ko ng bumitaw sa mga problemang di ko alam kong kakayanin ko, kayo ang nagsilbing taga pagligtas ko lalo na ng gusto ko ng sumuko at wakasan na ang aking buhay. Kayo at kayo lamang ang aking gustong makapiling hanggang sa aking huling hininga.   

Ang aking mag-aama ang kumpas at direksiyon na nais kong balik-balikan, sila at sila ang paulit-ulit na pipiliin sa kabila ng hirap na dinaranas. Dahil sa dami ng problemang dumaan sila ang naging taga-pagligtas sa muntik ng pagwakas ng aking buhay. Masaya ang bawat araw na kasama ka, ikaw ang nagiging pahinga sa tuwing pagod ang katawang lupa na nais ng ihimlay. Kaya laging nagpapasalamat sa Panginoon na itinuro ang kumpas papunta sa’yo, sa piling niyo.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGSUSURI NG PELIKULA

KABABALAGHAN

PINAGPALA