ALAALA

 ALAALANG KAY SARAP


Ibon ay bumagsak na parang dahon,

Di maramdaman ang sakit ng sa lupa”y lumapat,

Naging pepe at bulag ka aking panaghoy, 

Ngunit ang lahat ay napawi.


Ng ika’y masilayan tumigil ang oras,

Natamimi sa angkin mong ganda,

 Di mawari kung anong nadarama

Tuwa ay walang  pagsidlan. 


Ang mga ngiti mo ang nagpabago ng buhay ko, 

Ikaw ang nagbigay direksyon sa kaliwa’t kanang daan

Hindi man naging maayos at maganda noong una,

Pinilit pa ring ngumiti na kasing lapad ng langit,

Tulad ng pagbibigay sa’yo ng Poong Maykapal.


Ikaw ang komukompleto sa araw-araw na pagtangis,

Ang masayang larawan ay hindi maipinta sa mukha ng iyong ama,

Ikaw ang naging sandigan upang pangarap muli,

At pipilitin kong maabot ito kahit mahirap at dumaan sa butas ng karayom.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

PAGSUSURI NG PELIKULA

KABABALAGHAN

PINAGPALA